Lunes, Nobyembre 26, 2018

Liongo (mito mula sa Kenya)


LIONGO

Liongo na isinalin ni Roderic P. Urgelles sa Filipino 
Ang mitong ito ay nagmula sa Kenya
na Sinuri ng Pangkat 7


1.(Pagkilala sa may akda) Si Roderic P. Urgelles ang sumalin ng Liongo sa Filipino o Tagalog. Ang pagsasaling wika ay isang napakahalagang bagay upang lubusang maipaintindi ang isang ideya sa isang nagsasalita ng ibang wika. Mayroon tayong patnubay o gabay sa pagsasalin ng wika. Nararapat na isaalang-alang ang orihinal na bersiyon at maging maingat ang pagsasalin nito. Dapat din na hindi lumayo ang ideya o salin na iyong ginagawa sa orihinal na bersiyon.


2.(Uri ng Panitikan) ito ay isang MITOLOHIYA na nagmula sa Kenya. Ang Kenya ay nagmula sa Africa. Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o mito , mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala.








3.(layunin ng may akda) ito ay ang magbigay aral at huwag ibigay ang buong tiwala para sa huli ay hindi maging kaawa-awa at hindi ito ang maging dahilan ng iyong pagkalubog.maraming oras na nagbibigay tayo agad agad ng tiwala kahit sinusuklian tayo ng hindi mabuti,kahit sa panahon ngayon maraming tao ang mga dapat pinagkakatiwalaan lalo na yung mga do mo pa mashado kilala ayun ang layunin ng may akda sa atin.



4.(tema o paksa ng akda)
Datapwat walang isang particular na kuwento o akda ang NASA katanungan maaring malaman ang isang team o paksa ng isang akda mula sa simulang bahagi ng isang kwento

- Liongo
-Mbwasto
-Haring Ahmad

6.(Tagpuan/Panahon)  sa bansang Kenya,Silangang Africa
Kenya ay ipinangalan mula sa Mount Kenya- ang pangalawang pinakamataas na Bundok sa Africa. Ang Kikuyu mga tao na nanirahan sa paligid ng kasalukuyang araw Mt Kenya tinutukoy ito bilang Kirinyaga o Kerenyaga, ibig sabihin ng bundok ng kaputian dahil sa kanyang nalimitahan na bundok sa snow.



7. (nilalaman) Ibinigay ng hari kay liongo na maging asawa ang anak nitong dalaga. Subalit sa huli,si Liongo ay pinatay ng kanyang anak na lalaki. May kinakaharap na suliranun si liongo at ito ay gusto siyang mawala ng kanyang pinsan na si Hari Ahmad kaya ipinakulong si Liongo at ikinadena. Pero hindi ito napigilan si Liongo kaya nag isip si Liongo ng pagpupuri na kung saan ang mga nasa labas ng bilangguan ay umaawit ng parirala na nakapagbigay daan kay liongo na makatakas nang hindi napapansin ng mga bantay.Sa kanyang pagtakas ay nanirahan siya sa sa kagubatan at nagsanay.Subalit nadakip uli siya noong sumali siya sa paligsahan ng pakana pala ng hari kahit si Liong ay ipinanganak sa pitong bayang nasa baybaying dagat ng makata sa kanilang lugar,mataas at malaks katulad ng higante.Pero mayroon pa ring kahinaan si Liongo na tanging siya at ang kanyang ina lamang ang nakakaalam. kapag siya ay matamaan ng karayom na pusod  ay mamatay siya,siya ay hari ng Ozi at ungwana sa Tana Delta at shangha sa Faza sa isla ng pate.

8.(mga kaisipan o ideyang taglay ng akda) Katulad nung aming payo na Huwag magtiwala sa iba at Huwag kang susuko sa mga problemang binibugay sayo kasi lahat ng problema ay nalalampasan

9.( istilo ng pagkakasulat ng akda/teoryangpampanitikan)
-Humanismo
-Realismo
-Sosyoholikal

10.(buod)

Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying- dagat ng Kenya. Siya ang nagmamay-ari ng  karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante, na  hindi nasusugatan ng ano mang mga armas. Ngunit kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Tanging si Liongo at ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam nito.Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate.

Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta sa kanyang pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang  kauna-unahang namuno sa Islam. Ang pagbabago ay naging mabilis mula sa Matrilinear  na pamamahala ng mga kababaihan tungo sa Patrilinear na pamamahala ng kalalakihan sa  pagsasalin ng trono. Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Nakaisip si Lionggo ng isang pagpupuri. Habang ang parirala (Refrain) nito ay inawit ng mga nasa labas ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng bantay. Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-awit. Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso na kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ng pagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay  madakip at muli na naman siyang nakatakas. Kakaunti lang ang nakaaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya. Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor at pumatay sa kaniya.



Ito ang aming unang blog na nagngangalang "Liongo" Maraming salamat sa pagbabasa ng aming sinuring kwento. 































2 komento:

  1. thnks sa buod, i can now answer my sheets without reading the whole book. ahu🖐️🤠

    TumugonBurahin
  2. Diko gets sinakop ni Liongo an Trono ng Plate na unang pag-aari ni Haring Ahmad? So bakit parang ang bait pa ni Liongo sa lagay na yan?

    TumugonBurahin