Lunes, Nobyembre 26, 2018

Mullah, ang Unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota
(Mga Anekdota mula sa Iran)
Ni M. Saada Noury
Halaw at salin sa Filipino ni Marina Gonzaga-Merida

           1. Pagkilala sa May-Akda

Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND), ang
pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. Libo-libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat. May mga nagtuturing kay MND bilang simbolo ng alamat at inilalarawan siya bilang isang mito.

2. Uri ng Panitikan


                    Gumamit ang manunulat ng anekdota upang ipahayag ang masayang karanasan ng isang tao na nagmula sa Iran. Ang anekdota ay isang akdang pampanitikan na naglalarawan ng isang kawili-wiling insedente sa buhay ng tao. Isa itong maiklig kwento ukol sa isang magandang karanasan na nagbibigay aral sa mambabasa. Ito ang ginamit ng manunulat upang ipahayag ang kanyang nagging karanasan. Gumawa ang manunulat ng mga akda na sadyang kawili-wili. Paulit-ulit itong ikinukwento bilang mga biro sa loob ng mga tahanan, tea houses, at barberya. Ito ay mabilis na nakakapukaw ng damdamin ng mambabasa. Isa sa mga linya sa kanyang akda ay ang “Mullah, nasaang ang sentro ng kalawakan?” sagot ni MND “Ang sentro ng kalawakan ay kung saan ko ipinukpok ang pako ng kabisada ng aking buriko” may sumagot “Hindi ako naniniwala” at sabi ni MND “Kung di ka naniiniwala, sige, sukatin mo!”. Ang paggamit ng mga nakakaaliw na linya ang isa sa katangian ng anekdota. 

3.Layunin ng Akda

                Ang layunin ng akda ay iparating sa mga mambabasa ang kasaysayan    ni MND at kaniyang naging karanasan sa pagsulat ng iba’t ibang kuwento.   Masuri at maintindihan ang nilalaman ng kuwento.

           4.  Tema o Paksa ng Akda

                     Mga kawili wiling pangyayari sa buhay ni Mullah Nassredin.

           5. Mga Tauhan/ Karakter sa Akda

  Ang persona na si Mullah Nassreddin o kilala sa daglat na MND.Siya ang tagapagkwento ng mga katatawanan na lagging maaalala ng mga Iranian buhat sa kanilang kabataan. Ito ang ilan sa kaniyang mga naisulat:

SUKATIN MO!
·        Ang persona na si MND. Siya ang tinanong sa akda at sumagot ng nakakatawa. At ang isang tao na nagtanong sa kanya sa loob ng tea house.
SINO ANG IYONG PANINIWALAAN?
·        Si MND ang may ari ng buriko na hinihiram ng kanyang kapitbahay. At ang kanyang kapitbahay na nanghihiram ng buriko ni MND.
  6.  Tagpuan at Panahon

                   Ang tagpuan at panahon sa isang akda ay isa sa bumubuhay sa akda.            Dahil dito nagaganap ang mahahalagang pangyayare sa akda. Sa mga akdang :
“Sukatin Mo!”
·        Naganap ito sa isang tea house. Dito nangyare ang usapan ng dalawang tauhan na sina MND at ang nagtanong sa kanya.
Sino ang iyong paniniwalaan?”
·       Ang tagpuan dito ay sa tarangkahan ni MND kung saan lumapit sa kanya ang kanyang kapitbahay upang manghiram ng buriko. Mula dito narinig niya ang atungal ng buriko sa bakuran. Dun niya natuklasan na nagsisinungaling si MND.

  Ang mga ito ay matagal ng naganap ngunit dahil ito ay kawili-wili at
 nakakapukaw sa atensyon ng mambabasa lumaganap ito hanggang sa kasalukuyan. 
  7.      Nilalaman at Balangkas ng mga Pangyayari

                   “Sukatin Mo!”
·       Panimula – Nagtungo sa Tea house si MND.
·       Saglit na Kasiglahan - Pinukpok niya ang pako sa hulihan ng kabisada ng kaniyang buriko nang may magtanong ng “Mullah, nasaan ang sentro ng kalawakan?”
·       Suliranin – Nagtalo ang dalawang tao sa akda dahil sa pinag uusapan nila kung saan ang sentro ng kalawakan.
·       Tunggalian - (Tao laban sa tao) Pagtatalo kung saan ba talaga ang sentro ng kalawakan.
·       Kasukdulan - “Ang sentro ng kalawakan ay kung saan ko pinukpok ang pako ng kabisada ng aking buriko.” ang paliwanag ni MND ngunit di siya pinaniwalaan.
·       Wakas – Nagbiro si MND.
         “Sino Ang Iyong Paniniwalaan?”
·       Panimula – Isang kapitbahay ni MND ang nagpunta sa tarangkahan ng kaniyang bakuran.Lumabas si MND para salubungin ang kaniyang kapitbahay.
·       Saglit na Kasiglahan – Nanghiram ng buriko ang kanyang kapitbahay sa kanya. Ngunit sinabi nito na hiniram ito ng iba.
·       Suliranin – Hindi niya ipinahiram ang kanyang buriko.
·       Tunggalian – (Tao laban sa tao) Nalaman ng kanyang kapitbahay na nagsisinungaling siya kaya sumama ang loob nito.
·       Kasukdulan – Maya-maya ay may narinig na atungal ang kanyang kapitbahay na nagmula ang tunog sa bakuran  ni MND.
·       Wakas – Natuklasan nito na nagsisinungaling lamang si MND. Sinagot siya ni MND ng pasalungat. “Sino ang iyong paniniwalan, ang buriko o ang iyong Mullah?”
   8.   Mga Kaisipan o Ideyang Taglay ng Akda

                    Ang ideya ng akda ay kung saan ang mga tao ay di naniniwala sa sinasabe ni Mullah at ang kanyang mga sagot ang puro kapilosopohan.

   9.      Istilo ng Pagkakasulat ng Akda / Mga Teoryang Pampanitikan

Bayograpikal
·        Ang kanyang mga naisulat na anekdota ay base o hango sa kanyang mga karanasan. Naiipapakita sa mga anekdota ang mga katatawanang nangyari sa kanyang buhay upang maaliw din ang kanyang mga mambabasa.
Sikolohikal
·       Ang kanyang mga naikikilos sa kanyang mga anekdota ay bunga ng mga isinasagot o isinasabi ng mga tao sa kanyang mga paniniwala o mga sinasabi.
Klasismo
·       Ang mga akdang kanyang mga akda ay nakaabot hanggang sa kasalukuyan at hindi ito nalalaos.
         Eksistensyalismo
·        Naipakita sa isa sa kanyang mga anekdota (Sino Ang iyong paniniwalaan?)  na siya ay nagdesisyon kung kanya bang ipapahiram ang kanyang buriko sa kanyang kapitbahay.




   10.      Buod:

Si Mullah Nassredin or Mullah Nassr-e Din na kilala sa daglat na MND,    ay ang tagapagkuwento ng mga katatawanan na laging maaalala ng mga  Iranians buhay sa kanilang kabataan. Ang mga kuwento ni MND ay binubuo  ng isa sa mga di pangkaraniwang pagkilala sa kasaysayan ng metapisika. Ilan sa mga anekdota ni MND ang Sukatin Mo! na kung saan may nagtanong sa kanya kung saan ang sentro ng kalawakan at nang sinagot nya ito, hindi ito naniwala kaya kanyang sinabi ay "Sige, Sukatin Mo!" at ang isa pa ay ang "  Sino Ang Iyong Pagkakatiwalaan" kung saan ang isang kapitbahay ni MND ay nanghihiram ng kanyang buriko ngunit ayaw nya at sinabing may  nakapaghiram na; at maya maya, sumigaw ang kanyang kapitbahay ng "sinungaling! Nariyan siya sa likod g pader!" at sinagot ni MND ay "Sino ang iyong paniniwalaan? Ang buriko o ang iyong Mullah?"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento