Paglisan
Things Fall Apart ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera
1.
Pagkilala sa May-akda
Si Albert
Chinualumogu Achebe ay isang Nigerian na ipinanganak noong Nobyembre 15, 1930
sa Ogidi sa Silangang Nigeria. Siya ay naging isang novelist, poet, professor,
at critic. Lagi siyang nangunguna sa klase noon kung kaya’y nakakuha siya ng
pagkakataong maging iskolar at makapag-aral ng medisina ngunit siya ay nag-aral
ng English literature sa University College (ngayon ay University of
Ibadan).Pagkatapos niyang mag-aral ay nagtrabaho siya sa Nigerian Broadcasting
Service at lumipat sa Laos. Marami rin siyang natanggap na gantimpala tulad na
lamang ng Margaret Wrong Prize, New Statesman Jock Campbell Prize, Commonwealth
Poetry Prize at 2007 Man Booker International. Taong 1990, habang
ipinagdiriwang ang kanyang ika-60 na kaarawan, nasangkot sa isang aksidente si
Achebe na naging dahilan ng kaniyang pagkalumpo. Namatay siya noong Marso 21,
2013 sa Boston, Massachusetts kung saan siya nagtuturo bilang university
professor ng African studies. Ilan sa kaniyang mga naisulat ay ang mga
sumusunod: -Things Fall Apart -No Longer at Ease -Arrow of God -A Man of the
People -Anthills of the Savannah Bilang manunulat, ginagamit niya ang wikang
Ingles upang ilantad, pag-isahin, at ipaalam sa nakararami ang napakaraming
kaugalian o kultura ng kanyang bansang Nigeria.
2.
Uri ng panitikan
Ang nobela,
akdang-buhay o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng
iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina.
Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng
mga pangunahing henerong pampanitikan. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong
artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo. Ang nobela ay
may 9 na katangian: •tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan tauhan -
nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela banghay - pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari sa nobela pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag
kasali ang may-akda sa kwento b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap c.
pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda tema - paksang-diwang
binibigyan ng diin sa nobela damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
pamamaraan - istilo ng manunulat pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at
pangyayarihan
3.
Layunin ng may akda
Ito ay nagpapakita ng mga aral
na kailangan nating bigyan ng pansin. Kung titignan sa mas simpleng paraan ay
dapat tayong magdesisyon hindi para sa ating sarili kungdi para sa tama at ito
ang mahalagang bagay na hindi nagawa ni Okonkwo na nais ipahatid ng nagsulat ng
akda.
4. TEMA O PAKSA
NG AKDA
Ang tema ng akda ay katapangan ng pangunahing karakter sa akda,
pagmamahal sa sariling nayon o bayan, kagitingan ng isang tunay na lider na may
kakayahan na pangunahan at ayusin ang kanyang mga nasasakupan at ang pagmamahal
sa kanyang mga kababayan at mga taong nakapaligid sakanya.
5. MGA TAUHAN/
KARAKTER SA AKDA
·
Okonkwo – Ang bida sa
nobela. Isang magaling na lider at may gusting patunayan ngunit nabigo.
·
Unoka – Si Unoka ay ang
ama ni Okonkwosiya ay tamad at miserable ang buhay. Siya ang nag-udyok sa bida
upang hindi maging katulad niya.
·
Obierika- Ang
pinakamatalik na kaibigan ni Okonkwo.
·
Ikemefuna- Isang batang
lalaki na galling sa tribo ng Mbiano. Inalagaan siya ni Okonkwo dahil siya ang
tanda ng pagkakaayos ng dalawang tribo, tinuring nila ang bawat isa na parang
tunay na kapamilya.
·
Ogbuefi Ezeudu- Ang
nagpaalam kay Okonkwo na dapat patayin si ekemefuna ayon sa orakulo.
·
Mr. brown – Ang puti na
malapit ang loob sa tribo umuofia ngunit namatay rin dahil sa karamdaman.
6.TAGPUAN/PANAHON
Karamihan sa mga kuwento ay
nagaganap sa kathang-isip na nayon ng Iguedo, na nasa Umuofia clan. Ang Umuofia
ay matatagpuan sa kanluran ng aktuwal na lungsod ng Onitsha sa East Bank ng
Niger River sa Nigeria. Ang mga pangyayari ng nobelang lumabas sa 1890s. [3]
Ang kultura na itinatanghal, sa mga taong Igbo, ay katulad ng sa lugar ng
kapanganakan ni Achebe ng Ogidi, kung saan ang mga taong nagsasalita ng Igbo ay
naninirahan sa mga grupo ng mga independiyenteng nayon na pinamahalaan ng mga
matatandang pinuno. Ang mga kaugalian na inilarawan sa nobelang salamin ang mga
aktwal na mga taong Onitsha, na naninirahan malapit sa Ogidi.
Hindi pangkaraniwan ang kabuohan ng akda. Ang pagkakabuo ng balangkas ay hindi rin naayon dahil kung titignan ang akda ay parang walang resolusyon sa mga problema ng bida. Sa akdang ito nagpapakita ng konsyensiya at pagiging makasarili dahil gusto niyang mapanatiling matapang siya at nung may plano si ezeudu binalaan niya si Okonkwo na wag makialam sa planong iyon dahil ama na rin ang turing sa kaniya ni ikemefuna. Kaya guimawa siya ng paraan para matulungan si ezeudu, inuto niya si ikemefuna at agad niyang tinaga ito sa harap nila ng hindi man lang niya naiisip na ama na ang turing sa kaniya. At may napatay din siyang labing-anim na taong gualng sa buril ni ezeudu. Tumungo agad siya sa mbanta at doon na nanirahan dahil sa mga ginawa niyang pagsasala. At ang wakas ay namatay rin siya dahil kinitil niya ang sariling buhay.
8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
Nagbibigay ito ng aral sa mga mambabasa na dapat pagisipan muna kung tama
ba o karapat dapat ba itong gawin o hindi, dahil minsan hindi na iniisip kung tm
aba ang ating mga ginagwa kung kaya’y sa dulo ay pinagsisisihan natin.
9. ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
Kung babasahin ay tila isang ordinaryong nobela lamang ito ngunit kung
pagpapatuloy ay maganda ang nilalaman nito. Hindi pangkaraniwan ang
pagkakasulat sapagkat sa una hanggang gitna ay maganda pa ang takbo nito ngunit
habang papalapit sa dulo ay mas nagkakaroon pa ng problema ang bida.
10. BUOD
Si
Okonkwo, isang matapang at respetadong mandirigma, nagmula sa lahi ng mga
Umuofia, isang hindi gaanong kilala at hindi kalakihang tribo sa Nigeria.
Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo nang
matalo niya sa isang labanan si Amalinze, ang Pusa. Dahil dito kinilala ang
katapangan ni Okonkwo mula Umuofia hanggang Mbaino. Sa maraming
pagkakataon, ipinamalas ni Okonkwo ang kaniyang katapangan upang mapagtakpan
ang laman ng kaniyang dibdib laban sa kaniyang ama, si Unoka na sa kaniyang
tingin ay mahina at talunan. Walang nagawang mahusay ang kaniyang amang si
Unoka dahil sa kaniyang katamaran. Sa halip, puro kahihiyan ang iniwan nito sa
kanilang pamilya sapagkat nag-iwan pa ito ng maraming utang sa mga kanayon
bukod pa sa pinabayaan niya ang kaniyang pamilya. Ang naging buhay na ito
ni Unoka ay laban kay Okonkwo. Kaya pinatunayan niyang naiiba siya sa kaniyang
ama. Para patunayan ang kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinamahalaan niya ang
siyam na nayon. At siya ay nagtagumpay. Tatlo ang kaniyang naging asawa,
nakapundar ng mga ari-arian na nagpapatunay lamang ng kaniyang pagiging
masipag. Naging matapang na mandirigma at makapangyarihan siya sa buong nayon.
Dahil dito, siya ay kinilalang lider ng kanilang tribo.
Dahil sa kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinili si
Okonkwo ng mga kanayon upang ipagtanggol si Ikemefuna, ang lalaking kinuha
bilang tanda ng pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at
isang nayon pagkatapos mapatay ng tatay ni Ikemefuna ang isang babaeng
Umuofian. Tumira ang batang lalaki kina Okonkwo. Naging magiliw at magkasundo
naman ang dalawa. Itinuring ng bata si Okonkwo bilang pangalawang
magulang.
Isang araw, lihim na ipinaalam ni Ogbuefi
Ezeudu, isa sa matatandang taga-Umuofia, ang planong pagpatay kay Ikemefuna.
Binalaan ni Ezeudo na huwag makialam sa planong ito si Okonkwo. “Hindi ka dapat
makialam sa isasagawang iyon ng kalalakihan ng Umuofia sapagkat
isang ama na ang turing ni Ikemefuna sa iyo,” wika ni Ogbuefi Ezeudu kay
Okonkwo. Dahil dito, gumawa ng paraan si Okonkwo. PInaniwala niyang
ihahatid na si Ikemefuna sa kaniyang tunay na ina. Naglakbay ang bata kasama
ang ilang kalalakihan ng Umuofia. Sa gitna ng kanilang paglalakbay, sinugod ng
mga kasamang lalaki si Ikemefuna upang patayin ngunit nakatakas ang bata.
Nagpasaklolo ito sa kaniyang ama-amahan. Noon ay nasa harapan ng mga katribo si
Okonkwo upang mapanatili ang ipinakitang katapangan, tinaga niya ang bata sa
harapan nila sa kabila ng paghingi ng awa sa itinuring na ama. Nakalimutan ni
Okonkwo ang naging usapan nila ni Ogbuefi Ezeudu. Umuwi si Okonkwo na mag-isa.
Wala na ang batang tumulong at gumabay sa kaniya. Naging simula naman iyon ng
malaking pagbabago kay Okonkwo. Hindi na siya makakain, hindi na makatulog,
hindi na rin makapag-isip nang maayos. Ramdam niya sa kaniyang sarili ang
depresyong siya rin naman ang may pagkakamali kaya’t upang maibsan ang
kapighatian at huwag matulad sa kaniyang ama na isang sawi ay nagtungo siya sa
kaniyang kaibigang si Obierika. Humingi siya ng payo rito at nakaramdam
naman siya ng kaunting gaan ng loob. Nagkasakit naman noon si Ezinma, anak na
babae ni Okonkwo, ngunit gumaling din sa tulong ng mga halamang gamot na
ipinanlunas ng kaniyang ama.
Lumipas ang panahon, nabalitaan ni Okonkwo na
namatay si Ogbuefi Ezeudu. Nakaramdam ng konsensiya si
Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya ito ay noong bigyan siya nito
ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefuna. Pinuno
ng malalakas na tunog ng tambol na sinasabayan ng alingawngaw ng malakas
na putok ng baril ang maririnig sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi
Ezeudu. Kagimbal-gimbal na trahedya ang bumulaga sa lahat ng mga naroroon
nang pumutok ang baril ni Okonkwo at tamaan ang labing-anim na taong gulang na
anak ng yumao. Dahil dito, kailangang pagbayaran ni Okonkwo ang nagawang
kasalanan laban sa kaniyang kaangkan. Isang malaking pagkakasala sa diyosa ng
Lupa ang pumatay at makapatay ng kauri. Hinakot lahat ni Okonkwo ang kaniyang
mga ari-arian at mahahalagang kagamitan at nagtungo sa Mbanta, lugar ng
kapanganakan ng kaniyang ina dala ang kaniyang buong pamilya. Sinunog ang
mga natirang hayop, kubo, at mga naiwang pag-aari ni Okonkwo tanda ng
paglilinis sa buong pamayanan sa kasalanan nito. Malugod naman silang tinanggap
ng mga kaanak higit lalo ang tiyuhin nitong si Uchendu. Tinulungan nila sina
Okonkwo na makapagpatayo ng kanilang munting pamayanan at pinahiram ng mga
butil na pagsisimulan ng kanilang munting kabukiran. Malagim at mahirap man ang
sinapit ni Okonkwo, pinilit niyang tanggapin ang lahat at muling magbalik sa
kung saan siya nagmula.
Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga taong iyon
matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim ni Okonkwo sa dating
lugar. Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang pinagbilihan kay Okonkwo. Buong
sipag niya itong ginagawa hanggang sa makabalik na si Okonkwo sa Umuofia. Isang
masamang balita naman noon ang ipinabatid ni Obierika nang minsang nagdala siya
ng pinagbilhan kay Okonkwo. Winasak daw ng mga puti ang Abame, isa ding
pamayanan ng mga Umuofia.
Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng
isang interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero
ang mga taga-Mbanta. Ayon sa kanila, ang pagsamba sa mga diyos-diyosan ay isang
malaking kasalanan at hindi katanggap-tanggap sa simbahan. Lalong
hindi maunawaan ng mga taga-Mbanta kung paanong ang Tatlong Persona
ay naging iisang Diyos katulad ng ipinaliliwanag ng mga misyonero tungkol sa
dapat na pagsamba sa iisa lamang na Panginoon. Layunin ng mga misyonero na
dalhin ang Kristiyanismo sa Mbanta at hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si
G. Brown at pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit at bugnuting
misyonero. Nagkaroon ng relihiyon ang mga taga-Mbanta. Habang isinasagawa ang
taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa hinablot ni Enoch ang
takip sa mukha ng isang Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga
ninuno. Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang
itinayo nina Rev. Smith.
Ikinapanlumo ng Komisyoner ng distrito ang naganap na panununog sa
kanilang simbahan. Dahil dito humiling siya ng pakikipagpulong sa pinuno
ng mga Umuofia. Sa pulong, pinosasan ang mga dumalong pinuno ng mga Umuofia at
ikinulong. Nakatikim ng pandudusta, masasakit na salita at pang-aabuso ang mga
pinuno ng Umuofia.
Pagkatapos mapalaya ang mga bilanggo, agad silang nagpulong at napagkasunduang
tumiwalag. Inakala ni Okonkwo na nais ng mga kaangkan na maghimagsik kung
kaya’t gamit ang machete pinatay niya ang pinuno ng mga mensaherong lumapit sa
mga kaangkan niya. Hinayaan naman ng tao na makatakas ang iba pang mensahero at
doon napagtanto ni Okonkwo na hindi handa ang kaniyang mga kaangkan sa isang
giyera.
Dumating sa lugar ni Okonkwo ang Komisyoner ng
Distrito upang imbitahan siya sa isang pagdinig sa korte subalit
natagpuan na lamang niyang nakabitin si Okonkwo. Nagpatiwakal si Okonkwo.
Ibinaba nina Obierika ang katawan ni Okonkwo. Gumimbal sa buong nayon ang
nangyaring ito sapagkat kinikilala nila na ang pagpapatiwakal ay isang
malaking kasalanan at bukod dito si Okonkwo ay nakilala sa pagiging matapang at
malakas. “Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon, dahil sa kaniyang
ginawang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa isang inilibing na aso.” Sabi
ni Obierika, ang kaniyang kaibigan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento